parang kelan lang...
naririnig ko pa ang kantang "mga kababayan"
parang kelan lang...
suot suot ko nag 3 stars and a sun tee-shirt...
at parang kelan lang...
pinapanod ko pa si Francis M. sa Eat Bulaga...
yun pala ang parang kelan lang ay matagal na palang nangyari...
si Francis M. simula pagkabata ko siya ay isa ko ng iniidolo...
Rapista, bokalista, rakista...
isa sa mga bumubuhay ng damdaming maka Pilipino...
mga kantang pinasikat na magpahanggang ngayon ar sariwa pa rin ang lyrics sa puso't isipan ng mga taong nakarinig at nakapanuod nito...
kung iisipin, parang ang layong mangyari na si Master Rapper ay may sakit na Leukemia..
pero di ko akalain na meron nga talaga siya...
idoL,
san ka man naroon, naririto ka sa puso at isipan namin...
ikaw ang bumukas ng pinto para kami matutong maging makabayan..
isa kang inspirasyon sa akin at sa amin..
paalam master rapper....
No comments:
Post a Comment